Banwang turuwang,
sa kusog buda hinang,
sa paghaman kan lansang
na pagtubod, dinangdang.
Sa pagkamuot tinais
an lukas kan paglaom;
sa herak kan Dios,
sa sadiring higos
dinaog an pagtios.
O, ginikanan kong ranga,
orog hamis magpadaba.
Kan matadong buda mahingowa,
ronang maginhawa.
Ina kan sakong kalag,
kuna kan sakong rarom.
Tingog kan taramon
na pirmi kong aram sawudon.
An gabos mong dalan
daing dagkang lalakawan.
Supay an kaogmahan pag namaanan
an tarom kan saimong gayon,
sa mga rebultong walat kan panahon
sa higos kan saimong pagrambong.
Buhi an daghan na dumalagan
saimong daga kan mag-agahon.
Totoong, dai nang iba,
sa minundagan sana
an hingalo kan ulian makukua.
English:
Tabaco Hymn
A state united, / by strength and sweat, / in forging the steel / faith, was heated. / The blade of hope / in love, grounded; / by God’s grace, / by self-diligence, suffering was defeated. // O, beloved land of birth, / your affection so sweet. / To the good and the diligent, / an abode of warmth. / Mother of my soul, / cradle of my depth. / The voice of the language / that I’ll always know how to speak. / All your paths / I will thread without fear. / My joy overflows looking / at the sharpness of your beauty, / in the monuments left by time, / in the passion of your growth. / My bosom runs free / through your land of dawn. / Truly, nowhere, / but in the motherland / serenity will be found.
Tagalog:
Bayang nagtutulungan / Sa lakas at pawis, / Sa paglikha ng bakal / Na tiwala, binaga. / Sa pag-ibig hinasa / Ang talim ng pag-asa; / Sa awa ng Diyos / Sa sariling sikap / Ginapi ang hikahos.// O, tinubuan kong giliw / Labis-tamis magsinta. / Ng mabuti at masigasig, / Bayang masigla. / Ina ng aking kaluluwa, / kuna ng aking lalim. / Tinig ng wika / na lagi kong alam bigkasin. / Ang lahat mong landas / walang kabang tatahakin. / Nag-uumapaw ang saya / sa sulyap ng tulis ng iyong ganda, / sa mga rebultong iwan ng panahon / sa sigasig ng iyong pag-ahon. / Malaya ang aking dibdib na tumakbo / sa’yong lupa ng bukang-liwayway. / Totoong, wala nang iba, / sa lupang sinilangan lamang / ang payapa makukuha.
Hymno Kan Tabaco
Pag itao mo daw sakuya an dai mo piggirom / Tuwing ibinibigay mo sa akin ang di mo pag-imik
buda an saimong hiling iiway mo pairarom
Ikog kan sarong hidaw na kanta an sakong rumdom.
Nagbabakay sa maluway na kaday kan alopoop
an bitis kong sa baklay pangaturugan ugop.
An dai mo paggirom arog kaini minalakop.
Guyod an ikog kan sarong kalag-kalag na kanta
na an puon kasugpon kan daan nang ugma.
An dai mo paggirom, giromdom na ranga an dara.
Tukaw sa tuninong na gibo kan gapo sa banggi
kun sain an magdamlag laba kan dai masabi
bago an sildang, su pagtuga sa kanta inagi.
Kaya, dispinsari Padaba, kun sakong taramon
na an moto-moto mong tuninong daing hawong
Ta pag itao mo sakuya an dai mo paggirom,
iparumdom mo an lindok kan kita nagpupuon.
Tagalog:
Tuwing ibinibigay mo sa akin ang di mo pag-imik
at ang iyong tingin iniiwas mo pailalim
buntot ng isang inaasam na kanta ang aking alala.
Humahabol sa mabagal na halina ng alapaap
ang paa kong sa pasyal-panaginip tutok.
Ang hindi mo pag-imik ganito kumakalat.
Hila ang buntot ng isang hanap na kanta
na ang simula karugtong ng lipas nang saya.
Ang hindi mo pag-imik, alaala ng ligaya ang dala.
Upo sa mapayapang gawain ng bato sa gabi
kung saan ang magdamag haba ng hindi masabi
bago ang sinag, ang pag-amin sa awit dinaan.
Kaya, paumanhin Irog, kung aking sasabihin
na ang tahimik mong tampo walang saysay
dahil pag ang di mo pag-imik sa aki'y ibinibigay
pinaalala mo sa akin ang kiliti nung tayo'y nagsisimula.
SENTI FEED [3] Awit ng isang di masisira
Isa sa mga tulang naisulat ko sa ma-alamat na apartment sa 1216 Sulu St., Sta. Cruz, Manila. Maaring nasulat ko ito sa gitna ng 1997 to 1999. Wala na kami nun ni I., (naging kami ba?) Ngayon, nakakagulat ang kasiguruhan ng tulang ito: ganuon ko pala siya kamahal; ganuon ko nga ba siya kamahal? Mas tama siguro ang tanong (hindi sa pag mamapait).
Maaaring minahal ko siya, maaaring minahal ko lang ang kanyang katawan, maaaring minahal ko lang siya dahil humahabol ako sa kanyang katawan, o maaaring lahat.
Pero, nirespeto ko ang taong ito, dahil halik lang at hawak sa kanyang kamay sa sinehan ang tinapang ko sa kanya. Kahit ibinukas niya sa akin ang pagkakataon, di ko sinapo ang kanyang suso, o kung saan man. Nakita ko na ang hubad niyang likod nang ayain niya akong masahihin ko siya sa kanyang bahay isang tanghali--at kami lang na dalawa, pero walang nangyari. Maaaring iniisip niyang mahina ako, o bakla ako, o di ko siya gusto, pero maswerte siya kasi ganun ko siya kagusto.
Sa isip ko lang siya hinahawakan na marubdob. Sa kanya rin ang imahe ng mga dahon sa puno bilang testimonya ng kung gaano kadalas ko siyang iniisip. At isinusulat ko minsan sa likod ng aking notebook ang bawat text niya sa akin, kahit baduy, mali ang spelling at cliche na ang mga ito.
Pero, naglalaro lang pala siya--dapat nakinig ako sa aking pinsan nang sabihin niyang nabasa niya yung text sa cell phone ni I na nagsasabing "I love you too.", habang nasa taas kami unang naghahalikan, pagkatapos naming kumain ng ponkan. Dito yun sa kwartong iyon, kung saan ko naisulat ang tulang ito. Sa maalamat na kwartong ito sa 1216 Sulu, St., Sta Cruz Manila, na ngayon nabili na ng isang pamilya at hindi ko na kailanman mababalikan. Senti feed talaga.
Pero sa tingin ko justified naman...medyo napapaniginipan ko lang naman ang apartment na ito every other day, or matagal na ang after a week.
Tatlo lang ang lugar na nais kong pagmultuhan:
Ang Tabaco Supermarket, ang 1216 apartment at ang bahay namin sa Tayhi, Tabaco. Sa ngayon, ang bahay sa Tayhi na lang ang intact. Nasunog na ang supermarket, mall na siya ngayon; at ngayon, "maayos" na ang 1216 apartment.
Pagnababasa ko ang tulang ito, naaalala ko ang apartment at ang lahat ng nakapunta, nakahiga, at nakasama dun. Maalamat nga siya. Kaya inaalay ko ang tulang ito di na sa isang babae kundi sa isang alaala:
AWIT NG ISANG DI NA MASISIRA
1
Na maaari niyang iharap ang sarili sa patay nang mga bituin at sabihing di na siya kailanman mahahawakan ng lupa.
Na sa mga gabing tulad nito, habang nauulol ang mundo sa pagsuyo sa umiilap na pag-ibig, maaalala siya at kung paano ko siya tinatawag tuwing inuukit ng pagod
na ilaw-siyudad ang kanyang mukha sa maduming pader ng mga gusali.
Mahal na mahal ko ang kanyang alaala, na mas inibig ko kaysa sa kanyang nararanas na katawan. Ito ang balat niyang di ko kailanman mahahawakan. Ito ang dalisay na di kailanman masisira ng lupa.
Nanasain ito ng mundo, tulad ng pagsinop ng arkeologo sa di niya nasipot na lumipas, ang pagsinta ng pilosopo sa hugis ng di maipaliwanag, ang dila ng Dios sa mga makata.
Na sa mga gabing tulad nito, di mawawalan ng saysay ang pagkirot ng totoong umiibig, di maiwawalang-bahala ang basang unan, at ang lamig ay iintindihin, patutuluyin bilang taga-hatid ng katibayang hinahanap ng nanginginig na braso ang malayo niyang init.
Aalalahanin ng gutom na mundo ang pagpuno niya sa akin ng laman. Kakapit ang mga nag-iisa sa gutom na ito at sila ay pupunuin ng pag-asam sa di pa dumarating na pagkapuno.
Awit sa isang di makita ang kanyang sarili sa piling ng walang katapusan!
Na maaari niyang iapak ang kanyang sarili sa di mabilang na dahilan at lalim ng kagandahang nagpapatunay sa dagat, na di lulubog, na di malulunod, sapagkat mas maganda siya sa dagat.
Na maaari niyang hiyain ang huklubang mga bundok, dahil di siya mauubusan ng kabataan, at patuloy niyang iaawit ang kanyang kagandahan sa ating paningin.
Ngunit siya ay tatanda at ang katawan niya'y bibigay, bibigat at susuko sa lupa. Ngunit siya'y patuloy na gagaan, magkakapakpak, sapagkat ang alaala niya'y kukupkupin ng lahat ng di pa minamahal, at sa bawat pagnasa nila sa kanya, muli siyang lalakad sa lupa.
Siya ang hugis ng pag-alalang makikita ko tuwing haharap sa basag na bintana, sa gabi.
Maaaring nagkita na kami sa mas panatag na panahon, ngunit ngayon ko lang siya nakita.
Ngayon lang ang kanyang init naging totoong nandito.
At ang kanyang kamay ang isa sa mga pinakamahirap intindihing himpapawid. Ngunit dito ako nakahihinga ng malalim at masakit humithit ng kapiraso ng kanyang kalayaan.
2
Sapagkat kailangan niya lang ako, habang walang katapusan ang aking pangangailangan.
Siya ay di na darating. Matagal nang nilamon ng walang kabusugang dagat ang buwan.
Ang totoong buwan. Hindi itong bungong nakatunghay sa sugatang daigdig.
Ang pag-ibig sa sinapupunan ng maliliit na bulaklak, di na makakatas. Wala nang awit ang gabi, mahal, habang nananatiling putol ang kuwerdas ng aking lalamunan.
Ang taga-hatid ng pakiramdam ay pinaslang na ng mga kalsada. At ako ay nabuwal dito at nabasag ang ngipin.
Mga balakbak
na di makalutang.
Walang hangin. May pakpak
ngunit di pipiliting ikampay.
Ang langit ay isang atungal
ng mga pabagsak. Kailan huling tumawa
pagkatapos malampasan ang mga uhaw
na panaginip.
Isang mainit na araw, sa palayan,
nginuya ng mga ibon ang mapa
patungo sa berdeng katihan.
Pagabi na, puno ng ungol
ang balite, puno ng patay na dahon
ang lupa.
3
Natagpuan ko siyang umiinom ng buhangin sa dalampasigan.
Ang uhaw niya ay ang kulay ng balakbak.
Ang uhaw ko ay ang kulay ng kanyang balat at kalangitan sa tanghali.
Ang kanyang buhok, ang sakitin niyang buhok ay ang tigang na uhaw ng mundo.
Puno ng kalasag ang aming mga sulyap, panangga lamang sa espada ng muling pagsandal sa kapwa katawang madudugtungan ng hininga.
Sabay naming inilantad ang sugat sa dilaw na araw, at naalala lang namin
ang kagabing pag-ibig.
Pagdai Ka
Pagdai ka daing bunga an paros
na puwedeng rabnuton, pagdai ka
nagkakamang an panahon
sa lugad kan mga dahon, pagdai ka
daing duga an bungang ini
an bangang bulan ngirit
na daing ugma sa ibabaw kan itom.
English:
In your absence
In your absence the wind is fruitless
I have nothing to reap, in your absence
the season crawls
on the wound of the leaves, in your absence
this fruit is sapless
the half moon is a smile
without joy on the surface of black.
Tagalog:
Pagwala ka
Pagwala ka walang bunga ang hangin
na maaaring dukutin, pagwala ka
gumagapang ang panahon
sa sugat ng mga dahon, pagwala ka
walang katas ang bungang ito
ang hating buwan ngiting
walang saya sa ibabaw ng itim.
Arog Kaini / Ganito
nag-arik-arik an init, pero may diit na uran.
Kawatan ninda ining nagbubutungan na panahon
mantang kitang mapawuton, nakalaom sa harong.
Nakahiling ka nang lalawgon na garo kabanga kan bulan?
Nakapaipli sa limpoy kan maluodon na natong.
Nakadangog ka nang ngirit paka-kagrit kan ikik
mantang naghaharok matanga sa bubon?
Namumurak ki hamot an bulawan na tanom
sa ibong kaining dai masabutan na tanawon.
Pigtataram na sa Baliti, sa tinurunan kan bulalangaw,
naghahalat sakuya, siyang may matang bituon.
Marso 1, 2009. Karangahan.
Tagalog:
Ganito pag lumalabas ang mga nuno:
nag-aalab ang init, pero may kanunting ambon.
Palaruan nila itong nagbabatakan na panahon
habang tayong batugan, sa bahay nakakulong.
Nakakita ka na ng mukhang tila kabiyak ng buwan?
Nakakubli sa lilim ng mahiyaing natong.
Narinig mo na ang hagikhik pakahuni ng ikik
habang sumasalok hating-gabi sa balon?
Namumukadkad ng bango ang gintong halaman
sa kabila nitong hilong panganorin.
Sinasabing sa Balete, hinakbangan ng bahag-hari ang Mayon,
naghihintay sa akin, siyang may matang bituin.
An Kanta Kan Dai Natutunong Na Uran
na hinalean ko.
An huhugpaan ko aram kong
dai ako masasabutan.
Bubukahon ninda an mga burak
na gadan an kolor
sasaluhon an pagbulos ko
kan panas
sa tahaw kaini.
Pero dai na ninda ako makukulugan
dai nang laog an buot ko–
matang nakahiling
taros sa mga bagay.
Sapuyunga ako kun mataram kong dai nang kamugtakan!
Sapuyunga ako kun lumuwas an sa ngimot ko;
Nangingiturugan pa ako.
Disyertong daing sagkudan an paha
an nag-iinom sakuya.
Ako an dai natutunong na uran.
Dai ko masawod an dulum
an gabat sa diklom
na nagsugo sakong paoro-otrong
isapurak ko an sadiri
digdi sa daga.
English:
The Song of the Ceaseless Rain
The shade where I came from
is unspeakable.
I will not be understood
by where I will fall down.
They will open the flowers
of dead color
and with its central spears
catch my flowing.
But they will no longer be able to hurt me
with my feelings empty-
while staring
through things.
Hit me if I say there's no more sense!
Hit me if that'll come out of my mouth;
I am still dreaming.
A desert whose thirst is endless
drinks me.
I am the ceaseless rain.
I cannot utter the shade
the weight of the dim
that ordered me
to scatter myself
again and again
on this earth.
Tagalog:
Ang Awit Ng Di Humuhupang Ulan
Di ko mabigkas ang lilim
na pinagmulan ko.
Ang babagsakan ko alam kong
di ako maiintindihan.
Ibubuka nila ang mga bulaklak
na patay ang kulay
sasaluhin ang aking pagdaloy
ng tulis
sa gitna ng mga ito.
Ngunit di na nila ako masasaktan
wala nang laman ang aking kalooban-
habang nakatingin
tagos sa mga bagay.
Sampalin mo ako kung masabi kong wala nang kabuluhan!
Sampalin mo ako kung lumabas yan sa aking bibig;
Nananaginip pa ako.
Disyertong walang hantungan ang uhaw
ang umiinom sa akin.
Ako ang walang humpay na ulan.
Di ko mabigkas ang lilim
ang bigat ng dilim
na nag-utos sa aking paulit-ulit
na isambulat ko ang aking sarili
dito sa lupa.
Dahil mga katawan
At ang aking palad ay di lamang upang makahawak
ng mga bagay kundi maikadena sa kapwa palad.
Dahil di kita inibig sa isip kundi sa lungkot
na sa mundo ay isang lason. Masama bang idugtong
sa mahal kita ay halika na? Halika na sa aking tabi
at ipaalala mong andito ka. Dahil sinanay mo ako
na kalimutan ang maging ako lang. Dahil di ko
na maalala kung ano ang sarili na di ka kasama.
At kung sa mahabang panahon, nakatingin lamang ako
sa iyo, at walang nagagawa kundi ang tumingin lang
at pakiramdaman ang balikat mong nakalapat sa balikat ko,
kung ito lang ang aking hinahanap, sana’y unawaing
dahil ako’y katawan din.

At tulad ko ika’y isang katawan
na naghahanap at naghahangad
ng katawan din na mauuwian.
Dahil matindi magparusa ang Gabi
at walang patawad ang ginaw.
Samantalang ang tanging nag-iisang
matitira at makakasaksi sa pagsaboy
ng lungkot sa mundo ay ang mga katawan
na pinag-isa ang pangungulila.
Dahil ang umpisa nitong pagsinta
ay di naka-ugat sa kung saan-saan lamang
kundi di ba’t sa ating katawan din.
Kahoy
Tinaram ko sa babayi:
Sa payo ko igwang kahoy na an dahon an bilang kan kun pirang otro takang pigrurumdom.
Nagi-ulok siya. Garo hali sa daga may kuminanap na lindok sa saiyang tabay, pasakat sa taklob niyang tiklop. Kuminiling siya sa luwas kan balkon, ta garo nawaran ki paros sa laog, ta tibaad ituga kan dugo sa saiyang pisngi an duga na nagdumig sa saiyang tago. Muya niyang isipon kong pighihiling niya su mga bituon; muya kong mahiling niya na pighihiling niya an sarong pagkapasa kan mahewason na liwanag na habo mag-sararo.
An pagrarom kan banggi sinukol ko sa pag ngana kan bulan. Nugad saro ako sa mga naghahalat kan pirot, nakatanaw sa bintana, pigmamate an dai paghiro kan kagayonan. Ta sa irarom kan patenteng nalingawan kan nangiturog nang igwang buhay, sa mga tuog naghihiro an kamunduan,.
Arog kan saiyang ulok, na garo danaw na sarong beses sana kutawon ngani humukol na daing katapusan, na tinahuban niya kan likod kan saiyang kamot, bako para pahaluhon kundi irayo sa huna niya dai makakasabot. Pero muya kong aramon an buot niyang taramon.
Muya kong aramon na kasubago niya pa muyang lumuwas, dumalagan sa banggi, parabason an pilak sa nagraraba-raba niyang unit.
Disyembre 15, 2008. Tabaco.
* * *
Kahoy
Sinabi ko sa babae:
Sa isip ko mayroong kahoy na ang dahon ay ang bilang ng kung ilang ulit kitang inaalala.
Napangiti siya. Tila mula sa lupa may gumapang na kiliti sa kanyang hita, paakyat sa kanyang tinakpang tiklop. Lumingon siya sa labas ng balkon, dahil tila nawalan ng hangin sa loob, dahil baka ikumpisal ng dugo sa kanyang pisngi ang gata na nanunubig sa kanyang tago. Nais niyang isipin kong pinapanuod niya ang mga bituin; nais kong makita niya na pinapanuod niya ang isang pagkabasag ng malawak na liwanag na ayaw magkaisa.
Ang paglalim ng gabi sinukat ko sa pag tindi ng buwan. Minsan isa ako sa mga naghihintay ng antok, nakatunghay sa bintana, niraramdam ang hindi paggalaw ng kagandahan. Dahil sa ilalim ng ilaw na nalimutan ng nakatulog nang may buhay, sa mga nanigas gumagalaw ang kalungkutan.
Tulad ng kanyang ngiti, na parang sanaw na isang beses lamang galawin upang umalon ng walang hanggan, na tinakpan niya ng likod ng kanyang kamay, hindi para patahanin kundi ilayo sa hindi makakaintindi. Ngunit gusto kong alamin ang nais niyang sabihin.
Nais kong alamin na kanina niya pa gustong lumabas, tumakbo sa gabi, palawigin ang pilak sa nag-aalab niyang balat.
I told the woman:
In my mind there's a tree whose leaves are the number of times I remember you.
She cackled. As if from the earth something crawled and tickled her thigh, up her hidden fold. She looked outside the porch, as if seeking where the air went off, for the blood on her cheek might tell of the sap moistening in her secret. She wanted me to believe that she's just watching the stars; I wanted her to see that she's just watching the breaking of a vast light that won’t unite.
I measured the deepening of the night with the intensity of the moon. Sometimes I'm one of those who wait for sleep, staring out the window, feeling the movement of beauty. For under the night lamp left lighted by the alive, among the frigid moves sadness.
Like her smile, a puddle one needs only to touch once for it to wave without end, which she covered with the back of her hand, not to muffle but to hide it from one whom she thought wouldn't understand. But I wanted to know what she meant.
I wanted to know that she wanted to go outside since the beginning, and run into the night, let the silver stroll on her smoldering skin.
An istorya kan sarong awot/ A Story of a Weed

Kan nilaog siya sa harong
arog kan awot na ginabot sa magapo
dangan tinanom sa maray na daga,
kan su sinaray niyang isog nawaran ki kamugtakan,
nagadan na man su pagmawot niyang mabuhay.
Sa imbong kan mga lanob
na daing lipot na pigpapalaog
luminatang su saiyang tulang
na napupungaw sa pangangaipo
ki paglakop.
Su lawas niyang dai na nahihigot
ki punaw buda pakig-agaw,
huminewas sa rasay
kan ubos na mga laogan.
Ta hali digdi kuminamang
an dakol na burak kan buru-banggi
niyang pag-utob
sinurop su saiyang sapog.
Natada saiya an masakrot
na duga kan pag-alang.
Dangan siya buda an bintana
pagturog na an gabos
pigsasapar an haldat kan imon
sa layas na mga bituon.
Saro siyang awot
na ginibong tinanom.
Tabang saiya an panahon
na maako an saiyang pagkatanom.
An saiyang ogma mga ngipon
kun kaipuhan niyang pahilingon.
Naubos na
su saiyang mga ngipon.
Sa balkon kan saiyang pagsulnop,
pighiling niya su laog kan saiyang kamot.
Pigsusog duman su mga dalan kan salog.
Punas na kan haloy na dai pagmawot.
Bago abutan kan diklom
luminuwas siya sa harong.
Naglakaw na daing kiling,
na garo dai nang kikilingan
sagkod maabot
an lugar na daing kasiguruhan.
An kadlagan
kun sain sana siya may kasiguruhan.
Duman an paghangos
na haloy pinugol
giraray pinunan.
Enero 10, 2007. Pawa.
Translation:
A story of a weed
When she was housed
like a weed pulled from rocks
then planted on fertile soil,
when her kept wildness lost its sense,
death came to her will to live.
Under the warmth of walls
which allow no coldness
her bones became lacy
longing for the need to spread.
No longer tightened
by hunger and competition,
her body loosened in a fall
of empty containers.
For from this crawled
many flowers of her nightly
obedience
sucking her sap.
What was left of her is the bitter
juice of dried-ness.
And when everything is asleep,
she and the window
suffers the burn of jealousy
for the wild stars.
She is a weed
made into a plant.
Time aids her
to accept her plant-ness.
Her happiness are teeth
when she needs to show it.
She lost all her teeth.
In the porch of her setting,
she stares at the inside of her palm.
Tracing there river paths.
Erased by the long absence of desire.
Before darkness reaches her
she steps out of the house.
Walks without looking back,
like there's nothing there to look back for
until reaching
a place of uncertainty.
The forest
where she has certainty.
There the breathing
that was long held
is again begun.
Karangahan Vol. 4, uploaded.
http://karangahanonline.blogspot.com/2009/02/karangahan-vol-iv-pebrero-2009.html
Just Click the link. Featured writers:
ESTING JACOB
GIOVHANNII C. BUEN
JAIME JESUS BORLAGDAN
For submissions, email: waterpatterns@yahoo.com
BIKOL WORKS ONLY.
Senti Feed [2]
"Naalala ko ang mga Umaga sa Balara"
Minsan nung ‘99, nakisiksik ako sa isang maaliwalas na lumang bahay na ginawang boarding house sa Balara sa mga huling taon ko sa UP. Kagagaling ko lang nun sa isang mahabang bakasyon sa lalawigan (pinapalawig ang pisi ng isipan :) ), at nagbabalik sa pag-eestudyante. Napag-isip-isip ko ngayong halos kalahati ng alaala ko pala sa Maynila ay nangyari sa gabi, sa ilalim ng mga artipisyal na ilaw—sa rilim kumbaga. Subalit dito sa muli kong pag-litaw, sa bahay na ito, ang mga alaala ko ay ang mga umaga. Ang mga almusal. Ang kainan sa maliit na kwartong kusina din; ang maliit na kaldero; at ang mga usapan pagkatapos kumain sa ka-board na dalawang bikolanang tibak, at isang weirdong probinsiyanang conyita. Para ngang ang pagtira ko dito ang epitomahe ng pag-gising pagkatapos ng isang basag na gabi ng kasenglotan, at kung ano pang pagpapakalaglag. Dito ako natutong magtsaa at maalala ang lasa ng pagkaing ikaw mismo ang nagluto. Malinis na mga alaala, wholesome, halos tulad ng mga panahong naniniwala pa ako sa aswang at kay Santa.
.
Kasama sa alaalang ito ang isang matagal nang kaibigan, si Bun, kaya bale pagpupugay din ang entry na ito sa pinagdadaanan niya ngayon, at sa kanyang mga paglalakad, at ang di na maiiwasang paghahanap-buhay. (Marami kaming shared memories ni Bun sa Bahay-Balara, tulad ng pagbisita ni Lorie at Dat isang weekend at nakita nila ang malinis naming kwarto, at nagtype-type sila sa makinilya ko, at pumunta kaming UP Film Center pagkatapos...marami pa, pero itong mga 'to ang mas ako lang.) Sa aking paniniwala, dito ko naisulat sa bahay sa Balara ang aking mga pinakamasasayang gawa. Positibo at puno ng pananampalataya. Sa likod ng paalala sa akin ng isang Analiza del Rosario na huwag muna akong masyadong magbababad sa mga mabibigat na usapin at isipin, naranasan ko ang ligwak ng mga ideya, na tila natipon ng ilang buwan-- at di ko sila pinigilan. Tinatamasa ko ang panibago kong kaligayahan, ang reklamadong alab.
.
Naalala kong sinusulat ko ito (ang mga nasa ibaba) habang iginuguhit ako ni Bun, umuulan ata sa labas, at isa iyong Sabado o Linggong tanghali. Merong feel ang panahon ng isang epikong Chinese Film sa UP Film Center, at kaunti lang ang nanunuod. Walang masyadong salita nun, at marahil may iniinom kaming mainit. Nasa terasa kami na siya ring common at study area. Parang ang steady lang ng instance. (Kaya nga photographic ang epektong lumabas.) Parang old Manila, yung Tayuman Manila sa ilalim ng riles ng LRT, na sa halip na langit ang matitingala mo'y mga lumot at kung ano-ano pang mga nakapulupot. At laging may tumutulo.
Minsan malulungkot ka lang pag nakakaalala ng isang masayang panahon. At naaalala ang masasayang pangyayari madalas pag walang masayang nangyayari. Yan yung parang nagkaroon ka lang ng buhay sa nakaraan. Syempre isa itong ilusyon dahil nung nangyayari ito’y marahil di naman natin sinabing “ang saya ko ngayon”...tila mas malapit sa katotohanan ang sambit na: “ang saya ko nuon” Patungo na naman ako sa mga salitang paulit ulit ko nang nasabi kaya huwag na. Eto na lang ang litrato nun:
.
Umaga:
4
Sa gitna ng umiibig
at iniibig, ang Paghinga: ang paghithit
na tumutulak sa musika, at ang pagbugang
humihila sa Tubig
na kaladkad ang pagpatianod
ng mga katawan—ang mga kumawalang
talulot mula sa pamilya ng kumpol
na binubuklod ng Pakiramdam,
ang pagputla ng Klabel: alam ba nila
ang kanilang pangangailangan?
Musmos, bukol na sa basang kongkreto
ang salamin nabuo, ito ang sarili mo:
ranasin mo ang espasyong dinaganan
ng dahilan ng iyong pagiging nandito.
Ito ang itinaboy mo’t kinupkop na lugar
humihinga ang paligid sa kanilang pag-alis
at paghimlay.
.
5
__, nang matagpuan ko ang Pag-liit mo
hindi mo muna pag-aari ang iyong tiyan.
Dalaginding, kinuyom ng Sakit
ang iyong hugis—sa bangko, ano ba’t
tinabihan ka ng maraming higanteng
tinititigan lang ang mga lugar
na wala ka? Tinupi kang parang papel
na bapor, sa laot na pinalalim
ng iyong Tubig. Ano ba naman ang palad
ko’t kamay, para sagipin ka sa sarili
mong luha?
Ah, saan kita hahanapin dito!
Saan ko ikukubli ang nabasag
na mga pigurin, ng mga anghel, sa ating
paglalaro ng init—didiligan na lang ba ng Tubig
ang tigang na plorerang iningatan sa dibdib ng Kabinet?
At ipakain sa dilim ang mga umagang di na darating. Sa saya
sa ligaya
ng ulan, at mga estatwa ng antenang
itinikas ng Kasawian, ang Unos, ang pagliyad
ng mga kaymito, upang ipakita ang mga ginto nilang tiyan,
dito, ang pagkulubot ng mga Kastilyo,
ang paglawak ng mga ulap, ang paghasa sa mga kidlat,
ang pagkabuo ng mga miserableng sanaw sa baba, sa imburnal
ang luhaang mata ng mga daga, ang emosyon ng tahimik
na mga ipis, sa dingding,
ang mga lugar na di pa natin nararating,
ang Ulan. Ang hiyaw ng mga musmos,
ang kamatayan ng Tubig sa sinampay
at ang nakatagong Araw, sa kalawakan,
ang Ulan
sa maraming ulong karga pa
ang naghihingalong mga panaginip:
ang pamana ng yumaong Gabi, ang Pag-Ibig,
dumadausdos na parang agila, sa siko
ng kanal.
.
__, grabe na ang kalungkutan ko
ngayong natagpuan ko na ang mga lugar
sa aking panaginip. Ang Mayang tinawag
nating bobo ay nag-iingat sa mga nakadipang
kable. Pakinggan mo ang aking Tubig
sa iyong bubong, ang pagkatunaw ng hangin,
at ang init ko, isinasagot, maalab, diyan
sa iyong kumot.
Anong mas Kawalan pa
ang maidudulot ng Palabirong hangin
sa Pananampalataya ng mga bata,
na humihinga pa ang pakpak ng mga balana,
sa pagpulot sa patay nang katawan
ng paru-parong biglang tila muling lumutang,
lumiwanag, pagkatapos iburol sa sanaw ng kanilang Pag-tubig!
Sa Gabi, tuwing nakaliyad ang tiyan ko
katapat ang sibat ng mga basag na bituin
ang hindi nagpapatulog sa akin ay ang kahinaan
ng langit na kumapit sa kanyang mga patalim.
Tapos na an Istoryang ini / Tapos na ang Istoryang ito
Dai ta pag-isipon na nagbubuka sa hampang ta an gabos na ini arog kan preskong burak o tunog na dai pa nahihiro. Isipon ta na pighahampang ta sana an kun ano an natapos na, an naistorya na sa puon kan kahoy, an aram na.
Tibaad sabihon mong ika an magibo kan saimong istorya. Ika sana an aktor, an tagahiro, an tawo-tawo, nagdadalagan an istorya sa kusog na dai mo man kayang suhayon. Mismong an saimong pagsuhay, o dawa ngani pag-uyon sa puwersang ini pag-akto na sana kan dapat mangyari.
Aram mo na an istoryang ini, nahiling mo na ngani an katapusan. Piglilinga mo sana an sadiri sa lingaw. Para sa “gayon” kan kinaban, sa “siram” kan buhay.
Rumdumon mo, ta kun dai tatahuban ka kan nganang kamunduan sa saimong dai pagka-aram. Huhunaon mong ika an nagdara sa sadiri mo digdi sa pasakit. Babasulon mo an dai paglataw kan dalan pasiring sa mas maray na kamugtakan .
Dai na man na ibang dalan kundi ining biniklad satuya. An mga panas buda halnas, an gian buda ginhawa sa agihan dai man maluluktusan.
Ata dawa pa taramon mong mahaman kang sadiri mong tinampo, an pag mawot mong maghaman, an saimong pagtaram kaining kamawotan, pagsusog mo sana kan saimong piglalakawan.
An dalan, an istorya, dai na mabago. Saro sana an satong magiginibo: an bagohon an dalagan kan satong pamayo. Sa pagbuntog sa kasakitan kita nakukulugan. Sa kamaangan manungod sa buhay na totoo kita nagagadan.
Magmaan dai magdasmag. Maanan an isip, an lawas na nagmamati kan sakit, dai magladop sa kasakitan. Maanan an puso na nagmamawot, dai magdusmog sa pigmamawot. Maanan siring man an mga lawas, an mga isip na nagsasayaw sa kumpas kan kinaban. Maanan an diit-diit kan mga ining pag-uli sa ati. Maanan mo an kulog, maanan mo an ogma, an siram na minatugdon sa pagmati, kinabuhay, isip. Maanan mo sana, dai mo pagpakupuon, pagpaduoton saimo, dai paglunudon an sadiri sa pigsasapar kan nakapatos saimo. Ta ini an suklob na mabuta sa saimong pagmaan. An maparabas saimo sa dalan na pano ki bulot na daing mata. An maturo saimo ki kapatalan nganing sa katapusan, dawa naampos mo na an kasagkodan kan istorya, papalapagon ka man giraray kaini sa mga dai man mabubukod.
Nobyembre 22, 2008. Tayhi.
Tapos na ang istoryang ito. Isa lang ang patutunguhan--ang katapusan. Lahat ng paggalaw paglapit patungo sa huli, sa ultimo, sa naghihintay na nakaraan, na mangyayari pa lamang.
Huwag nating isipin na bumubuka sa harap natin ang lahat ng ito tulad ng sariwang bulaklak o hamog na hindi pa nagagalaw. Isipin nating hinaharap lamang natin ang kung ano ang natapos na, ang naikuwento na sa punong kahoy, ang alam na.
Marahil sasabihin mong ikaw ang gagawa ng iyong istorya. Ikaw lang ang aktor, ang taga-ganap, ang tautauhan, tumatakbo ang istorya sa lakas na hindi mo kayang suwayin. Mismong ang iyong pagsuway, o kahit nga ang pagsunod sa puwersang ito, pag-ganap na lamang ng dapat mangyari.
Alam mo na an istoryang ito, nakita mo na nga ang katapusan. Hinihele mo lamang ang iyong sarili sa paglimot. Para sa "ganda" ng mundo, sa "sarap" ng buhay.
Alalahanin mo, dahil kung hindi tatabunan ka ng sobrang kalungkutan sa iyong hindi pagkaalam. Aakalain mong ikaw ang nagdala sa sarili dito sa hirap. Sisisihin mo ang hindi paglitaw ng daan patungo sa mas mabuting kalagayan.
Wala na namang ibang daan kundi itong binuklat sa atin. Ang mga tulis at dulas, ang gaan at ginhawa sa daan ay hindi maiiwasan.
Kahit pa sabihin mong gagawa ka ng sariling lansangan, ang kagustuhan mong gumawa, ang iyong pagpahayag ng kagustuhan, pagbakas mo lamang ng iyong linalakaran.
Ang daan, ang istorya, hindi na magbabago. Isa lang ang ating magagawa: ang baguhin ang takbo ng ating kaisipan. Sa paglublob sa kahirapan tayo nasasaktan. Sa kamangmangan ukol sa buhay na totoo tayo pumapanaw.
Tumingin huwag sumubsob. Tingnan ang isip, ang katawan na dumarama sa hirap, huwag sumisid sa kahirapan. Tingnan ang puso na nagnanais, huwag magkandarapa sa ninanais. Tingnan din ang mga katawan, ang mga isipan na sumasayaw sa kumpas ng daigdig. Tingnan ang unti-unting pag-uwi ng mga ito sa dumi. Tingnan mo ang sakit, tingnan mo ang saya, ang sarap na dumarapo sa pandama, ari, isip. Tingnan mo lamang, huwag mong pakapitin, padampiin, huwag mong lunurin ang sarili sa dinaranas ng bumabalot saiyo. Dahil ito ang talukbong na bubulag sa iyong pagtingin. Ang magpapaliwaliw sayo, walang mata, sa daang puno ng lubak. Ang magtuturo sayong kakitidan upang sa katapusan, kahit maabot mo na ang dulo ng istorya'y paghahabulin ka nito sa mga hindi kayang abutin
Senti Feed [1]
Una wala akong masabi; pero nasesenti ako. Nahalungkat ko to sa mga lumang folder na itinago ko pero di na maisip na buklatin. Inaamin kong di na ako kasing "proud" sa mga salitang ito tulad nung una ko silang nakita sa papel...pero mayroong tinatawag na 'pinagsamahan', na kayang magbigay ng konsiderasyon.
Dito, nakita ko kung ano ang nawala sa akin. At nakita ko rin kung ano ang inani ko mula sa mga taon. Hindi dahilan sa akin na wala namang mangyayari sa pagsisisi kaya wala akong pinagsisisihan, pero dahil tanda ko pa rin na totoo ang galak na naramdaman ko nung kinakatha ko ang mga ito, kaya wala akong "regrets".
Yun. Hindi ko na ibibigay ang kontrebersiya ng mga pangalan na nasa titulo, (siguro matanda na ako para sa intriga) sa halip tawagin na lang natin itong "ang mga nasabi ko sa aking kabataan":
Madaling Araw:
1
Sa aking palagay, dapat matutunan nating matulog nang maaga.
Iwasan na ang pagkakape para hindi padalusdalos ang desisyon
at siko. Dapat may sarili tayong unan at di nakikipagsabunutan
ng kumot. Ang puwede lang nating paghatian ay ang sulok
ng kulambo. Sa ganitong pag-iisip, malinaw tayong magigising
sa umaga, pagkatapos ng malusog na mga panaginip. At hindi
maupong tulala sa harap ng tarangkahan at naghahanap ng antok
sa pagod na mga bato at basag na mga salamin. Mahirap ring maligo
kung nangangalay ang buhok at bitin ang unan. Hindi
maganadang sabunin ang puyat na balat at gambalain
ang pagputok ng taghiyawat. Huwag pamarisan ang laging gising.
Ako na ang bahala, huwag nang mag-alala, sasabihin mo’y
naisulat ko na.
2
Ano nga ba ang nais mong sabihin? Ngunit
kinukwenta ba ang mga salita,
di ba’t numero lang ang binibilang
ba’t pati oras? Naiisip ba ng mga nabubuntis
ngayon na maaaring mawala ang Pag-ibig
sa puso ng kanilang kapwa katawan? At pagpumapatay
ng ipis, dapat bang tawaging bayani
ang tsinelas? Mas mahal ko kasi ang tao
kaysa sa hayop, kahit na lahat tayo
ay humihinga at binuhay sa gatas
ng ina. Ayokong sirain ng hindi nakikita,
ng panahon at ng emosyon! Pabayaan! Sapagkat langit na
sa istupidong daga ang kumalmot sa likod
ng hagdan. Pagsisilbihan mo ba ang telebisyon,
dahil inuulit nito ang nasawi mong mga panaginip?
At pagsarhan ang umaga dahil hinugot ka nito
mula sa iyong pagsamba sa malumanay
na tawag ng kama.
Marami pa akong sasabihin, pero
uulitin ko lamang ang nasabi ko na.
At ikinalulungkot ko,
kung di ko natapatan
ng salita
ang iyong Katahimikan.
Eto ang aking notebook, ubusin mo
ang pahina sa pagpahid sa ‘yong Luha.
Sige na, gayong katawan mo ang huli
kong inibig, huwag mong itago sa akin—
ang iyong Pag-tubig.
3
Ipaliwanag mo nga, ipaliwanag mo nga
ang sarili mo sa akin.
Yung kaya kong lumabas sa pinaka-gabi
at magliwaliw sa iniwan mong mga lugar,
na hindi inaasulto ng karaniwang ilaw:
na aso ng bawat bahay na nag-iingat ng ginto.
O ng opurtunistang hangin, na magnanakaw
ng hininga.
Sige nga, ipaliwanag mo nga ang Takot
sa harap ng aking panginginig.
Tingnan lang natin kung mapipigilan mo
ang kamao kong pupuputok sa ‘yong dibdib.
Hindi ako masamang kaluluwa at hindi maitim
ang puso ko, gusto ko lang sabihin.
At—ah—Oo, mainit ang Gabi pag di ka dumarating.
At ngayong ako’y tunaw, Lamig
paano kita tatanggihan?
Halika’t saluhin ang aking pagkawasak.
Pigilin, walang pag-ibig na kamay,
ang paglawak—ang aking Pag-tubig.
Marami akong nais galawin, baguhin, burahin, pagandahin, ngunit sisirain ko lamang ang “ambience.” Irerespeto ko na lamang ang panahon, pakiramdam, at konteksto ng sitwasyon habang kinakatha ang mga salitang ito. Marahil mas mainam na lamang na ituring ito bilang isang larawan na nakatala sa tubig o sa hamog o sa sapot ng gagamba.
Pagsiblag/Pagwalay/Parting
Pagsiblag
Nakatalikod na siya kaito (su babayi). Nakahiling na sa dalan pasiring sa siya
Su saiyang kahampang (su lalaki) nakahiling
Sa likod
"Kun pwede niya
Pero nagtalikod naman su nabayaan. Inda ngani kun su ngimot niya an nagtaram ta ini pirit niyang pigtatahuban, sa pagpuon
Pagwalay
Nakatalikod na siya nuon (ang babae). Nakatingin na sa landas patungo sa siya lang ang nakakaalam. At duon sa kanyang patutunguhan, marahil ay may naghihintay, dahil naunahan na siya ng kanyang galak na makarating duon.
.
Ang kanyang kaharap (ang lalake) nakatingin sa talikod niya. Ang kawalan ng paki-alam pinaranas sa kanya ng mundo. Humahagilap
Sa likod ng kampanaryo, kinukumot ng mabagal na araw ang itim ng mga kahoy. Ang mga padyak, sa bigat, sumasadsad ang puwitan sa lupa, gumagapang pauwi. Lahat lumilisan, hanggang ang matira lang sa kanya, siya.
"Kung maaari niya lang sanang isuot ang kagandahan ng kanyang kaluluwa--sa halip itong katawan na kinadidirian mo--marahil mamahalin mo rin siya."
Ngunit tumalikod na rin yung naiwan. Hindi ko alam kung yung bibig niya ang nag-usal, dahil pilit niya itong binubusalan, sa pagsimula ng nginig na yumuyugyog sa kanyang dibdib. Sa totoo, hindi ako magtataka na ang mga salitang ito'y binigkas mismo ng kalungkutan na siya ring nag-utos sa mga tuyong dahon na ibaon ang mga daan ng di nahabag.
Parting
She was already turned away, looking at the path leading to she alone knows where. And there perhaps someone is waiting, for her joy was already there even before she was.
The man just looked at her turned back. The absence of feeling, of concern was inflicted to him by the world. He was seeking aid--more than that, he was seeking righteousness. But even his hands disobeyed him, to at least touch the turned back, moving away.
Behind the belfry, the slow day blankets itself with the darkness of the trees. The tricycles, in heaviness, scratch their ends to the ground, crawling home. Everything is leaving, until all that remains in him is himself.
"If only he could wear the beauty of his soul--instead of this flesh which sickens you --perhaps you would learn to love him too."
But the one who was left also turned away. It's not even sure if these words came from his mouth, which he tried to cover, as shivers begin wracking his chest. In truth, I will not be surprised if these words were spoken by Sadness itself, which was also the one who commanded the dry leaves to veil the path of the wicked.
Labels: bikol art , bikol culture , bikol music , bikol poetry , borlagdan , filipino poetry , rawitdawit
Winners of Gawad Komisyon 2008 (Bikol Language category)
IN a letter dated December 1, 2008, the Sentro ng Wikang Filipino (Center for Filipino Language) bared this year's Gawad Komisyon winners.
Pagsulat ng Tula (Poetry)
Unang Gantimpala (1st Prize) – Mr. Owen L. Del Castillo (Pilar, Sorsogon)
Ikalawang Gantimpala (2nd Prize) – Mr. Sonny C. Sendon (San Nicolas, Iriga City)
Ikatlong Gantimpala (3rd Prize) - Mr. Adrian V. Remodo (Pacol, Naga City)
Pampalubag-loob (Consolation Prizes):
Mr. Jovert R. Balunsay (Sto. Domingo, Albay)
Mr. H.Francisco V. Peñones (Sta. Cruz, Iriga City)
Mr. Eduardo E. Uy (Ariman, Gubat, Sorsogon)
Pagsulat ng Maikling Kuwento (Fiction)
Unang Gantimpala (1st Prize) – Mr. Estelito B. Jacob (Camaligan, Camarines Sur)
Ikalawang Gantimpala (2nd Prizes) – Mr. Rodel D. Añosa (Sawang, Aroroy, Masbate)
Mr. Jaime J. Borlagdan (Bombon, Tabaco City)
Ikatlong Gantimpala (3rd Prize) - Mr. Mr. Owen L. Del Castillo (Pilar, Sorsogon)
Pampalubag-loob (Consolation Prizes):
Dr. Eden K. Nasayao (Arimbay, Legazpi City)
Mr. Xavier L. Zamora (Sagpon, Albay)
Mr. Alex Michael S. Boribor (Pioduran, Albay)
Ang araw at venue ng paggawad ng parangal ay ipapaalam na lang sainyo pagkatapos ng pagpapatibay ng Komisyon sa Wikang Filipino. Sa mga hindi po pinalad na manalo, tanggapin din po ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat at pagpupugay sainyong paglahok sa paligsahang ito.
Dios mabalos saindo gabos!
Lubos na gumagalang,
ALWIN N. NAPOCAO, MAEd
To the Lost Works / Para Sa Mga Nawarang Obra

To the Lost Work
The lost work is a child that has died. He hasn't seen the world; no one has seen the world of the lost work.
Either caught in a mishap of improper keeping or by intention, it vanished in an instant, it is needless to mention how it was sought, how it was missed.
Where are they headed? Even the mind-womb which created it, conceived it, birthed it, and moulded it, cannot track it even in feeling and in memory.
The words sown from nothingness were returned to nothingness. Isn't this a cause for celebration? However, we will never again be able to relish the bliss of being with it. The solace it gives us, goes away too when they are gone. With the disappearance of the affirmation of our being here, it feels we have never been.
Is there someone reading the lost work in the other side of our experienced reality? What will declare that the lost was our handiwork? What will say that I have held a pen and wrote the piece? How can we discuss the idea that the work now floats in the void?
The work that was made and lost is now in where all that was never found are. The keeper of all that was lost. Like courage or youth. Nothing can tell that these were once ours. Not even remembrance. Like our life which slowly wastes away. Until we can never remember if even our body was really here.
* * *
Para Sa Mga Nawarang Obra
Arog
Nadiskwido sa salang pagsaray o tuyong bigla na sanang napara, dai na kaipuhan osipon kun pano hinanap, pano hinidaw.
Pasain na an mga ini? Dawa an matris-isip na nagmukna, nagbados, buda naghulpot, naghaman, dai na masusog dawa sa pagmati buda pagrumdom.
An mga taramon na tinukdol sa kawaran nai-uli sa kawaran. Bakong garo magayon na okasyon? Iyo
May nagbabasa daw
An obrang nahaman, nawara, yaon na sa lugar kun sain an gabos na dai na nakua yaon. An sarayan
Photo: Creepy Child No 4 from http://freshpeachesdesigns.blogspot.com/



