Me nagbertdey,
me namatay,
me pinatay,
me inilibing,
me naospital humihingi ng amen,
me nananakot ng gera,
me naakit sa hita,
me nagalit sa pagkakita,
me problema si ganito sa ganyan,
me problema si ganyan sa ganito,
me problema ka, me problema tayo
me, me, me, ako, ako, ako.
Oo ako ang problema
Kasi wala akong solusyon.
Nangangalit ang aking mga puna
Pero lumpo ang aking aksyon.
Bago nagulo ang mundo
Nagulo muna ako.
Ako ang problema
Ako ang ugat ng sakuna.
Kahit saan umabot
ang gulo'y dala ko.
Gulong-gulo ako
Di ko alam ang dahilan
Nakatawa ako sa pityuran
Pero gumugulong ako sa higaan.
Utak ko'y puno ng katanungan
Puso ko'y walang laman
Kasi wala naman talaga akong alam
At ang mga katotohanan ko'y hashtag lamang
Wala akong alam
Kasi di ko alam
Na ang puno't dulo ng dahilan
Ay ang kawalan ko ng alam.
Kung sino ako
Ano ako
At ang tunay kong katauhan.
11/9/16. Karangahan.
NEWSFEED
Posted by
Jai Jesus Uy Borlagdan
Sunday, November 20, 2016
0 comments:
Post a Comment