HARIBOL SURALISTA

HARIBOL SURALISTA
Pag-omawon an Kagurangnan, an pursang minabusol kan sakong pluma. Haribol.

Patente kan Nobyembre

Pista sa Gadan, kinaagahan

Dai mo huhunaon na Nobyembre ining aga.

Agang kinuramos kan paros an tunog.

Arog sa kinaagahan kan katapusan kan kinaban
an mga kalag na naguong sa satong panganoron
gagaboton kan kalamias kan kahewasan.

Mahahanggianan an tikab sa pagsakat kan gabat.

Ta napasain su girabo kan uran
hadok kan ngabil kan mga naghahayang gadan?
Napasala garong panahon, ta mga rignos nakatugdon
sa koryenteng inalambre, nagtatawong alingahot kan Marso
sa mga bulan na benditado na kan lipot, sambay kan bagyo?

Nagngangarakngak an kalag ko
ta pigsusurod an sinarigsig sa palitada.
Sa dagang ining parong ki gadan na kandila
nagagango pa man an satuyang papa.
Bako makangalas
na ini aldaw ki Nobyembre?

Maski sa mga atop nagsasangaw
an higos ka udto?
Maski an agrutong kan de mano
hapiyap sa talmag kong boot.
Dangoga, nagngangarakngak
an kalag ko.

Nakakasibog daw kita sa panahon
kan satong pagkaaki
pagminaulok na arog kaini?
Sa ikos na pigbugaw an rignos
sa gilid kan pigbalad
sa trangka na buminurikat na daing takot
sa sildang, sa huyop-huyop na kinutaw
sa tubig kan asul na langit.
Sa pagbuklos ta padulag
bakong ini an kasagkoran
kan satuyang pagdalagan?
Kapkapa sa tikab ko,
nagngangarakngak an kalag ko.
Nobyembre 2 2004.Karangahan

Dila
Bago daw mangyaring mapara ka
digdi sa daga.
Piriton mong dai makalugad
an saimong dila.
Mala marara, dipisil mapila,
daghan an lubungan kan haldat
na masakit masapa.
Ta masapa daw kan daghan
an haldat na dai nalalapa,
pararom nin pararom
antes masagkod an daga.
Ta makaon man kan ulod
an lawas na gadan,
pirming makakarumdom
an kalag na daing katoninungan.
Mabuwelta an dagit digdi
sa kinaban.
Sa paagi kan lipot na mabatak
sa mga higdaan,
masuhay sa mga kudal,
masubol sa mga nasyon
na magtubong nin tarom.

Bago ka maghale dai ka magwalat
sa kinaban ki haldat.
Na magiging rason
kan saimong pag-otro
kan saimong sasakiton.
Kun igwa man sanang tataramon
na puwedeng itukal,
bako na su maharang,
bako na su maringsal.
1/15/04 Tayhi

Ginhawa
Pasensiya na sana nono, nene
pagsakit mahahali na sana
buhay ta maginhawa
pagkita gadan na.

Pag ako puminiyong
ako ito na
kairiba ni Papay
mong nainot na.

Sa ginhawa tulong beses kitang makakan
pamahaw, pangudto sagkod pamanggihan.
Duman may sadiring tibi
dai na kamo makikihiling.
Malumoy an higdaan,
dakol na gubing.

Nene, dai ka na mapauripon
sa darakulang harong
o maghalayhay
kan bako mo man bado.
No, dai mo na kaipuhan magpukpok
nin maso. An masunod na palasyong
ititindog mo, giraray man
mapapasaimo.

Kaya pag ako nagadan dai maghibi
ako sa pasakit kan kinaban mahali
mahirilingan pa kita dai maghadit
siguro maginhawa na kita
pag-abot sa langit.

Pagbalik saimo sa diklom
Kun gigibuhon ko ini
dapat dai akong puso
papanindugan ko an parasaklot
sa sarong sa pagtumang
daing kusog.
Daing tulang an sakong pangaran
para maubo an saiyang pangaipuhan
pabalyo sa daing herak
na salog kan kinaban.
Malinga daw kan boses kong
paratod an kuwerdas
an saiyang pag-ula
kun garapuon siya
kan mapapanas
na pagpasupog.
Kun sa gusto ko
muya ko na siyang makugos
idara sa dai nin makulog
basogon sa sakuyang kamot.
Kun sa daga kuta
may bubon nin kusog
ta an puso ko dai nin isog
makipaggubutan
sa gubot na kinaban.
Dai akong Diyos
na nagsugo ki Abraham
na iatang an sadiring laman.
Ako sana ini
digdi sa malipot na lukas
kan kadaihan.
Ako na saiyang paratao ki pangaran
an saiya man na paragadan.
01/22/04 Tabaco

Anatomiya ng palaging namamatay (Para sa aking sariling pagkunsumo)
1. Romansa ng Kama
Buhay ang aking mata
sa mga sandaling patay
ang ilaw, at ang mga Panaginip
ay naririto na, bumabalik
silang parang mga kabayo—
ang talampakang kuko na tahimik
na bumabasag sa panatag
na sanaw na naimpok sa sinapupunang
hinulma ng pertil na bulubundukin—tanawin
mula sa ulap ng utak.
Paano mo muling iipunin, bubukludin
ng iyong mortal na kamay, sa kaayusan
ang tubig na naalimpungatan
at paulit-ulit na tumakas
sa paulit-ulit na pagbilog ng panahon
at alimpuyo? Aaminin ko nang hindi ko
kayang imaneho ang patuloy na paglayo
ng mga tanawin na dati rati’y masunurin—ngayon
kailangan nilang lumayo, ngayong ayaw na
nilang magsinungaling.
Tumutulak ang mga Katawan
na hindi mahawakan ang laman
at paglalong itinikom ang talukap
mas lalong napipisak ang matris
na sisidlan ng luhang napiga—abuhing salamin
ng mga pag-alsa ng dibdib, hindi paghinga
ang paglobo ng tarantang baga, selopin na paghabol
sa mga buntot ng liwanag, maugat
ang kadiliman sa pagkakapatong
ng mga anino. Malakas ang bisig
ng Gabi, hindi kayang pigilan ang pagpabangon
ng nginig at lamig
sa tuod na higaan.
Kayang pakulubutin ng ideya
ng Pagpanaw ang mga pisngi
ng Sanggol.

2. Pasilyo Sulu
Paano gagawing karaniwan
ang Gabing ang mga eskinita
ay iniwang nakabuka
ang mga pagitan. Iginuguhit
ng puting luha ng mga bintanang
ipinikit na pilit, ang mga teritoryo
ng liwanag. Mabagsik
humiwa ang elektrikong tanglaw
sa mga siko ng kongkreto.
Saan ipupuwesto ang maputing alaala
ng romantikong Romeo at Florante,
kung itinataboy ng panatikong katahimikan, lahat,
kahit ang katawang ‘di mahawakan?
Sinuwerteng makausli ang pagtiyatiyaga
ng namaluktot na rosas, sa pag-intindi
sa walang hanggan: sa hiwang sinugat mismo
ng paghilom ng kanyang tinik.
Gusto kong ipahayag ang pagkalat
ng kongkreto, ang pag-uusap
ng mga pader, ay pilit
iniiwasang maging totoo.
Kahit sa akin, itinatago nila
sa init ng itlog ng kanilang sarili, sa intimasiya
nakasapot ang kanilang wika.
Alam ko ba ang emosyon
na itinuturo sa akin
ng pagsaplot ng bubungan
sa ma-utong na dibdib
ng kalawakan? Sigurado
ba ako sa damdamin
ng nakahawlang kalapati,
na ipinupuslit ang sakiting huni
sa salaming kurtina
ng aking bintana? Ito ba
ang Boses ng lahat ng tumatawag
sa Gabi: ang mga pagkislot ng palad
na isinuksok sa ilalim ng unan,
ang mariing pagpikit ng mata,
ang pagkapatid ng kristal
na hibla ng luha, sa dilim?
Hahayaan kong lumapag sa lupa
ang amoy ng Ilang-ilang, at saluhin
ng mundo ang hindi nito kayang hawakan.
Hindi ko tutugunan ang paghiyaw
ng mga kalsadang binaliw ng paulit-ulit
na pagpatak ng yapak sa kanilang noo.
Hindi ko kakalabitin ang paos na gitara
at bundatin ng himig ang hangin,
mas mabuti na ‘tong hindi natin
napapansin ang rebulto ng Pagliwaliw,
nang matiis natin
ang Magdamag.
Bukas, ilibing na lang natin
ang maraming kamatayan,
pagbumalik na
ang liwanag.

3. Ang Pagbalik Ng Mga Musmos
Maraming Pag-ibig ang umaga
buhay at hindi nananakot.
Binuo ang kanyang loob
ng maraming Pagbangon.
Ang kutob niya ang nagbuka
sa nakakuyom nating mga Mata
at tayo ay hinuhugot ng bawat Pagbalik
ng liwanag, mula sa ating paglukob sa kumot.
Pag-aari ng kalawakan ang araw
ngunit ang umaga ay atin.
Humahalik ito sa noo ng ating talampakan
ngunit alam kong wala itong kinikilalang Poon
o kaharian, may sikmura itong dumila
sa kinadidirian nating sanaw, na palahian
ng lamok at langaw,
sapagkat wala itong katawan
at lamang nahahawakan.
Ang mukha nito’y walang binibigkas
na pangalan
at ang pangalan nito’y ‘di tumutugon
sa isang mukha.

4. Hindi Ko Kayang Pangalanan Ang Hindi Kayang Bigkasin
Ngayon ko lang naiintindihan ang Pagpanaw
pag-ginagahasa ka ng katahimikan
at wala kang ibang magagawa
kundi umiyak
at kumapit sa tulalang kagamitang
sumapit ng parehong kapalaran.
Dito sila kanina, humihimlay, taong-tao
totoong-totoo, umuukupa ng espasyo,
nahahawakan ko
ang kanilang buhok
sa kanilang halakhak, at hindi
sila nagsasawa sa pagbalasa
sa humihiwang silahis sa bintana,
sinusuysoy ang bawat butil ng umaga
dito sa mesa at upuan,
ikinalong sa maagap na kutsara’t baso
ihinain at nginasab sa bandehado
at saka naming itinipid, itinimpi,
habang nakukuba ang tanghali
sa bigat ng pawis at init,
sa aming bulsa, bawat isa, bilang
at markadong sandali.
Sapagkat ang hapon ang pagtanda
ng Panahon. Madalas sa pagtugis sa tuktok
ito ay oras
ng Pagtigil, ang paglugsot
tungo sa talampakan ng pinaghirapang bundok,
ang muling pagmano sa lupa,
ang paghalik ng butki sa alabok.
At kanina ako’ay nakatayo, nagpipilit
tumatag, sa pagbitaw sa buntot
ng direksiyon ng kanilang paglisan.
Oo, lumalayo ang lubid ng aking dugo
sa kipot ng kanilang litid, hanggang saan
man sila padparin, pero lalong namumuo
sa aking ulo ang bilog na kadiliman
sapagkat lumalago ang espasyong kanilang
nakalimutang dalhin, paglalagyan
sa mga Hindi na Maibabalik.
At ‘di sinasadyang manuya
sa gitna ng pagmumuni’t luha
ang isang karton ng sigarilyong
naiwan ng siga.
Ang lugar na linilisan ng Pag-ibig
ay palaging ganito: palaging pagkatapos
ng ma-ilaw na piyesta, may insignipikong
damuhang iiwan
ng pansamantalang peryahan.

Litrato ng hagdang nakatambak sa bakuran
Sa kanyang pag-akyat sa ating binababaan

Pagkatapos ng maraming taon
ng pagpapa-apak
lumuwag din ang turnilyo ng hagdan
sa Gabing ito’y umungol
nang walang dahilan.
Hindi siya ang halige ng tahanan
ang posteng nagmumukmok sa apat na sulok
ang ilaw na wasak ang katawan, taga-binyag
sa paganong mga anino, winawagayway ang kuryenteng
oliba sa limbong ang relihiyon ay walang
pag-ibig.

Wala na itong tuhod
na ipantutukod sa bigat
ng naipong pasensiya
sa kawkawan ng taas at baba.
At binungi ng minsang suwail
na sampal ang tabla
nang magdabog ang hindi pinayagang
paa.

Pero makakalimutan niya ba ang maingat
na dampi ng inumagang sneaker
na sa pagpapatahan sa katahimika’y
gumising sa imortal
na intimasiya? (At kahit ang mga kuto
niyang anay ay makapagsasabi
na wala siyang pinatulog na Gabi
sa pagsisilbi).
Nagawa niya na bang akyatin
ang taas, o babain
ang baba
kung siya ay nagkakasilbe
pag nasa gitna?
Paano kaya kung sa kanyang pagkakahoy
di na lang siya naging hagdan?
Kundi isang respetadong lamesa
o paboritong lumba-lumba
o kaya’y madunong na pasamano
ng mga libro?

Sino ba ang makapagpapalit
nang biglaan
ang kayang bumaluktot ng balikat
ng ilang taon—
madalian
isang mabilis na pagpilas
ng Huling Hangganan, ang tanging hiblang
nakabara sa lagusan ng isang galit
na pagpulandit—hinay-hinay na Alimango
ng Panahon, ang dapat humugot
sa sandalan, kung ang tahanan ay isang
palasyo ng baraha—
kung ito’y isang pagpipigil
ng tibok
kung ito’y hindi na muling
paghinga ng oksihinang
sumisid sa malalalang espasyo—
ang bakanteng katawang
sumisiksik sa mga puntod ng titik:
ang tulalang aklatan
ang humihigpit sa mga gusot na umiporme
ng beteranong kurtina, sinasala ang katinuan
sa palad ng bintana, hinihilod mula sa pribadong
likod ng hangin—ang banging ang hantungan
ay kinakapa pa sa dilim ng bulag na daliri.
Mapapansin na lang siguro
isang araw ang patlang
pag hindi na magkaintindihan
ang pababa at paakyat.

At ngayong nasa harap ko mismo
nakaratay ang patay na balikat
ang kahoy na ulap
na naglutang at naglapag
sa ating mga katawang
di nabiyayaan ng pakpak
hinihingi nitong iapak mo
ang teynga ng imahinasyon
sa imposibleng kalansay
niyang kahoy,
at pakinggan
ang alikabuking alunignig
ng mga tibok ng yapak.

Nararapat ba akong
sumaksi sa lahat
ng trahedya sa mundo—
ang hinanakit ng isang bayani,
na ngayong siya’y nakahandusay pa
di na puwedeng apakan?
*
Nakikiramay sa malayo ang pintuan.
Bahagya itong nakausli sa pagsaludo
sa kanyang kasama—para akitin
ang ilang sundanging silahis
ng bagong umaga na tagain
ang anino
at pagsuwayin
sa iba’t ibang sulok
ang mga hindi maluha
nang makaramdam naman kung gaano
humilap ang mangulila.

Nang masalubong ko ang hapon sa Lagoon
Paano ko pipigilin
para sa tulang ito
ang hapong nangyayayri
ngayon sa ‘yo?
Para namnamin kahit ng mata
ang hindi nakayang lunukin
ng kaluluwa.
Maniwala kang bumibigay
ang kisig at bisig,
maging ang halkhak na kayang
tabunan ang mundo
ay napapaos. Marahil
sa pagbibilang, kung ilan,
ilan ang naging klase
ng berdeng nakikita ko
sa sabay-sabay mong mukha
(at ang buhay mong walang bilang)
makukumbinsi ng pakiramdam
na lugmok sa loob, na huwag
umalis nang mabilis
ang mga sinag at silahis
na tanging musmos at mapaglaro
pa ng emosyon.
Sa pagtuturo, sa pag-iisa-isa, sa pagsamba
(na hindi nagagambala ng Katapusan)
at pagdudusta sa laman kong lupa lamang
at susuko sa katandaan,
makakahanap ng kaligayahan
sa iyong gumagalang kapanatagan
sa mga puno at sa dulo ng bawat dahon
sa mundo.
Paano ko tatanggapin
sa tulang ito na ang hapon
ay paulit-ulit na nangyayari sa ‘yo
ngunit di ka nauubusan ng hininga
sa pagbibilang kung kailan
darating ang walang hanggang
kalungkutan.

Ang Hapon ay Panahon ng Paghabol ng Hininga
May apoy ang hininga ng himpapawid
malalim at mainit, antukin. Kilos
ay hindi ang sayaw ng lagablab,
kundi ang marahang paglakbay ng daliri
sa nakalantad na dibdib ng sobrang minahal
habang nasa duyan ng pahinga, marahil sa ilalim
ng punong hitik sa lilim. Marahil sa malawak
na katihan ng matatamis na bulaklak.
Oras ito ng salagubang
pagkatapos lisanin ng mga paru-paro
ang balana. At ang mga dahon
ay gumagaan, at ang mga dahon
ay nagpapahila sa lupa.
Ito ang musikang ayaw nating pakinggan,
dahil inaakay nito ang ating paa sa hukay.
Ang ilog ng oras ay sinisibat ng batuhan,
nilulumpo ng hubog ng pampang at pinaparusahan
ng tinik ng buhangin. Kaya may kupad
ang nagaganap tulad ng bagal ng ulap.
Paalala itong ganito ang katahimikan
sa dulo ng lakas ng ating loob na magpatuloy.
Sapagkat itong lawak ng lantay na langit
ay isang imbakan ng mga paglaho.
At ang mga alaala ay walang katawan
tulad ng panahon na siyang nagpaslang.
Disyembre 2001.Tayhi.

Tagal
Walang hanggan
ng magpakailan pa man
ang tagal.
Isang musikang mabagal
ng patay at dapit
paikot sa ilog na
nakapulupot sa mundong
ahas ng agos. Multo
tulad ng langit
na kumpol ng mga lilang
bulaklak. Tulad ng ulan
at itom
ng kapeng iniwan o
nakalimutan
sa lamig ng balkonahe.
Puting kurtina
sa lumang bahay
na tuluyan nang
pinatay ang ilaw,
burdado ng ligaya
at lumipas na glorya
ng noon. Walang hanggan
wari ang bigat. Dito.
Sa tanggapan ng pait
at lason. Dito na siya
ring halamanan at lihim
na hardin
ng pag-ibig. Umuusad
tulad ng kalkuladong lingkis
ng relehiyosong sawa,
ang bakod
ng siyudad at ng mga grasang
lansangan. Sa bakal na utos
ng isang blokeng bato
sa gintong trono, ang lamig
ay umuunlad.
Kaninong paglaya
ang ihip ng hangin.
Ang paghalimuyak
ng mga pangitain.
Alam mo ba ang daan
paalis dito, ikaw na nakakapansin
na walang pintuan?
Mamayang gabi
sa bughaw na tulog ng lahat,
muli tayong lilinlangin ng katahimkan
at pilit ilalayo ang ating mga katanungan
sa punto. Dahil bubuka
ang minsang pintuan
ng ngayon. Pupuslit
ang mga panginoong
walang hininga at kamatayan.
Sasabak tayo. Isang makisig
na kabayong kayang tagusin
ang ilusyon. Makikihati tayo
sa kanilang lagusan. Puno
ng enerhiya ng nagpasuklob
na lakas.
Hango sa karagatan.
Hango sa higanti
ng mga napaluhod
na taong-diyos.
Isang matipunong gulong
ng kidlat. Uhaw ng mga pumalyang
pagsagupa at pagpalag.
Walang lingon
ulo sa ulo. Tungo
sa kabilang kalungkutan.
Sa pugad ng mararangal
na halimaw na silang
humubog sa mga bayani.
Huwag lang ito. Huwag lang
dito sa lupaing puno
ng lupaypay na bulaklak.
Marso 2 2002.Tayhi.Tabaco City.



Ako Kalag Omay (2015)

Buhay-Gadan (2014)

Ha'dit sa byahe buda iba pang mga bagahe (2013)

Hamot kan Narumdom (2011)

Suralista: Mga Rawitdawit (2010)

Suralista: Mga Rawitdawit (2010)
Makukua sa: Gabos na Lucky Educ. outlets (Naga, Legazpi, Tabaco, Polangui, Sorsogon); Tabaco: Arden,Imprintados Advertising. Naga: Lucky Educational Supply. O kaya sa 0917 524 2309

Que Lugar Este kan Dayo sa Sadiring Banwa (2009)

Que Lugar Este kan Dayo sa Sadiring Banwa (2009)
"Maunod, magabat. Alagad makamuyahon ta magian basahon, ta makamuyahon saka labas an tanog. Makata, uragon." Gode B. Calleja. Abilable sa gabos na Lucky Educ. Supply Outlets; Kulturang Bikolnon. For inquiries:0917 524 2309

Maynila: Libro ng Pobya (1999)

Maynila: Libro ng Pobya (1999)
Makukua sa gabos na Lucky Educ Supply outlets buda sa Imprintados Ads sa Tabaco City. Para sa mga kahaputan mag-text sa 0917 524 2309

Karangahan Online

Karangahan Online
Karangahan: Pagranga sa Panurat Bikolnon. Kagibo: Jimple Borlagdan. Pinduton an ritrato para makaduman sa Karangahan

On Borlagdan's Poetry


A Rush of Metaphors, Tremor of Cadences, and Sad Subversions
By Tito Genova Valiente
titovaliente@yahoo.com

The first time I read the poems of Jesus Jaime Borlagdan, Jimple to those who know him, I felt immediately the seething movement of the words. There was a rush of metaphors in his works. I immediately liked the feeling that the rhythm caused in one’s reading for poetry, in my book, should always be read aloud. I was hearing the voice. It was a voice that happened to sound from afar and it was struggling to link up with a present that would not easily appear.

It was heartbreaking to feel the form. I felt the lines constricting. I saw the phrases dangling to tease, breaking the code of straight talk and inverting them to seduce the mind to think beyond the words. Somewhere, the poems were reverting back to direct sentences, weakening the art of poetry with its universe of ellipses and nuances, but then as suddenly as the words lightened up, the poems then dipped back into a silent retreat, into a cave, to lick its own wounds from the confrontation that it dared to initiate.

For this column, I decide to share parts of the longer paper I am writing about this poet.

In Karangahan, the poet begins with: Bulebard, ikang muymuyon na salog/ki gatas buda patenteng nakahungko,/ako ngonian kahurona. Borlagdan translates this into:Boulevard, you forlorn river/ of milk and downcast lights/ speak to me now. Savor the translation, for in Bikol that which is a dialog has become an entreaty.)

The poet is always talking to someone but in An istorya ninda, an osipon ta, he talks about a the fruits of some narrative: Ta sa dara nindang korona kita an hadi/ sa krus, kita su may nakatadok na espada./Naitaram na ninda an saindang istorya./Punan ta na man su satong osipon./This I translate as: For in the crown they bear we are the King/ on the cross, with the embedded sword./ Marvel at this construction, as the poet cuts at the word “hadi” and begins the next line with “krus” and the “espada.” Marvel, too, at how he looks at conversion and faith, a process that made us special but also wounded us with ourselves stuck with the sword.

Finally, the poet says those lines of the true believer: They have already spoken their story, now let us begin with our tale. The poet does not have a translation but will the istorya in this line be “history” and osipon be “myth.” Shall these last four lines in the first stanza be both a subversion of our faith embedded in a foreign culture or a celebration of what we are not, and what we have not become?
Puni na an paghidaw. Puni na an pagluwas/hali sa kwartong pano ki luha, puni na/an paghiling sa luwas kan bintana./Puni na an paghidaw para sa binayaan./Puni na an pagsulit sa daluging tinimakan./Puni na an paghidaw sa mga sinugbang utoban. Terrifying lines as the poet calls us to begin the remembering and also begin the moving out from the room full of tears. In the poet’s mind, the lacrimarum vale or valley of tears had become an intimate area for instigating his own release.

The rhythm is there as in a prayer. But it is no prayer. There is the repetition but it is not a plea. There is the self but it is one that has turned away from itself into something else. That self is one that shall face the recollection of the faith that has been burned.

And yet the poet, resolute when he wants to, loves to sing and hint of fear and anxiety. Even when he is merely observing children playing in the rains, he summons images of terrible beauty. The skies become diklom na pinandon na “may luho” (with hole). From this hole, comes the sarong pisi ki sildang/ tisuhon na buminulos. The poet stays with this metaphor with such intensity that the silken thread coming from the hole justifiably becomes luhang garo hipidon na busay/paluwas sa mata/kan dagom. Dark wit and a penchant for the horrifying are tandem graces in these lines.

This is the poet who can, without self-consciousness, tell us of the …haya/kan mga ayam na namimibi/nakakapabuskad ki barahibo/nakakaulakit ki lungsi. He whispers of “halas na rimuranon, malamti/sa hapiyap kan mga bituon.”
This is a startling universe, where dogs pray (and bay), and where fears bloom and paleness afflicts and infects, and serpents are caressed by the stars.