Parang sakit na lumalala
Ang gabi mula sa mga bagay
Na dinampian ng pag-alala.
Mahaba ang buhay ng mga bagay
Sa sustansiya ng pagsinop.
Maging ang buwan
na nagsisimula pa lamang
Wari lagi nang nakatunghay sa tayog.
Isang matang nagsasabing
Napanuod ko na ito