Dahil katawan din akong naghahanap ng katawan.
At ang aking palad ay di lamang upang makahawak
ng mga bagay kundi maikadena sa kapwa palad.
Dahil di kita inibig sa isip kundi sa lungkot
na sa mundo ay isang lason. Masama bang idugtong
sa mahal kita ay halika na? Halika na sa aking tabi
at ipaalala mong andito ka. Dahil sinanay mo ako
na kalimutan ang maging ako lang. Dahil di ko
na maalala kung ano ang sarili na di ka kasama.
At kung sa mahabang panahon, nakatingin lamang ako
sa iyo, at walang nagagawa kundi ang tumingin lang
at pakiramdaman ang balikat mong nakalapat sa balikat ko,
kung ito lang ang aking hinahanap, sana’y unawaing
dahil ako’y katawan din.
At tulad ko ika’y isang katawan
na naghahanap at naghahangad
ng katawan din na mauuwian.
Dahil matindi magparusa ang Gabi
at walang patawad ang ginaw.
Samantalang ang tanging nag-iisang
matitira at makakasaksi sa pagsaboy
ng lungkot sa mundo ay ang mga katawan
na pinag-isa ang pangungulila.
Dahil ang umpisa nitong pagsinta
ay di naka-ugat sa kung saan-saan lamang
kundi di ba’t sa ating katawan din.

.
Painting: Pygmalion and Galatea (1890) by Jean-Léon Gérôme (1824-1904)
Photo of the Detail, The Wrestlers by Peter Peryer