Narinig ko ang ingay ng tatlong babae. “Trenta mil!” sabi ng isa.
Pasakay na ako nun sa aking motor, isang maulang hapon...
Kung papipiliin ako kung pag-ibig o pera. Pipiliin ko pa rin ang una.
Pero hindi nakakain ang pag-ibig sasabihin nila.
At o-Oo ako, dahil ang pag-ibig ang pagkain ng mga patay-gutom
at ang mga patay na buhay nama’y pera ang sustansiya.
Fernand Leger, Three Women. 1921.