Sa isang ilaw mula
Ang silaw na umaapaw
Sa usli ng lagusan
Papasok sa kwartong
Sa totoo'y madilim.
Sa kwarto ng salamin
Pakitang ngipin ang ligaya
Ng bungong nagtabing ng ngisi
Habang sa labas ang oras
Nakapila sa haba ng pasensiya
Kahit maulan, walang payong
At ideya kung kailan
Ang panahon ng pag-uwi.
Nagkatawang usok ang ngawa
Ibinubugang walang bigat
Pauwi sa ugong ng makina ng ginaw.
Alipin ng magdamag
Ang tagasalin ng lamig
Sa basong puno ng bula
Habang humahagilap ng mapapala
Ang bawat ako
Sa pusong puno ng wala.
2/12/15
Karangahan.
0 comments:
Post a Comment