Huwag magpalinlang
sa mga kulto ng kasalukuyan.
Karamihan sa mga ito'y
nagbihis na ng kaanyuan.
sa mga kulto ng kasalukuyan.
Karamihan sa mga ito'y
nagbihis na ng kaanyuan.
Huwag nang hanapin
sa liblib na kanayunan--
sa modernong tahanan,
hayan, sa kahong aliwan
ang kanilang pinagkukutaan.
sa liblib na kanayunan--
sa modernong tahanan,
hayan, sa kahong aliwan
ang kanilang pinagkukutaan.
Hindi na hukluban
ang supremong yinayapos
ngayo'y may alindog at tikas
ang halinang dinudiyos.
ang supremong yinayapos
ngayo'y may alindog at tikas
ang halinang dinudiyos.
Paso na ang birtud
ng mga Lating orasyon,
mga pangalang pinagtambal
ang idolong engkantasyon.
ng mga Lating orasyon,
mga pangalang pinagtambal
ang idolong engkantasyon.
Imbes murang musmos
ang kinakatay sa altar,
ang kakayahang mag isip
ang kinikitil sa ritwal.
ang kinakatay sa altar,
ang kakayahang mag isip
ang kinikitil sa ritwal.
Yumi at hiya ang nagpalit
sa birheng ginagahasa;
libog at ilusyon
ang bagong poon
sa dambana.
sa birheng ginagahasa;
libog at ilusyon
ang bagong poon
sa dambana.
At ang mga talisman
singdami ng kunwari'y kailangan:
pampakinis, pampabango,
pampatigas, pampalango.
Pinagtibay ng debosyon
Sa usong superstisyon:
Huwag lang shampoo
kailangan may conditioner
Huwag lang powder
kailangan may fabric softener.
Vetsin pa more sa timplang fastfood store.
Ngayong panahon ng pasikipan,
kailangang sumabay sa bawat inobasyon
ng pasador.
singdami ng kunwari'y kailangan:
pampakinis, pampabango,
pampatigas, pampalango.
Pinagtibay ng debosyon
Sa usong superstisyon:
Huwag lang shampoo
kailangan may conditioner
Huwag lang powder
kailangan may fabric softener.
Vetsin pa more sa timplang fastfood store.
Ngayong panahon ng pasikipan,
kailangang sumabay sa bawat inobasyon
ng pasador.
At kahit ano pa ang iyong sinasabi
Lahat nakasalalay sa puti ang iyong
Ngipin, kutis at kili-kili.
Lahat nakasalalay sa puti ang iyong
Ngipin, kutis at kili-kili.
Kung nagtataka ka
Kung gaano karami na sila
Madaling lamang makilala
ang kanilang mga deboto:
Kung gaano karami na sila
Madaling lamang makilala
ang kanilang mga deboto:
Sila ang mga naengkanto
Ng sariling telepono.
Oktubre 2016
Ng sariling telepono.
Oktubre 2016
0 comments:
Post a Comment