HARIBOL SURALISTA

HARIBOL SURALISTA
Pag-omawon an Kagurangnan, an pursang minabusol kan sakong pluma. Haribol.

Sa Pagkumot ng Lamig Setyembre

Casa del Agua
Malayo ka pa 'y tatahulan ka na ng pagtahan
dahil sa libo-libong paghinga ng buhok ng bundok
na kakahuyan at ang nagkukubli ditong mga bangis.
Marahil sa una 'y pagbubuhulin ang sikmura mo
ng pakiramdam na lumalayo na tayo sa kapatagan.
Ito 'y dahil idinuduwal na tayo ng bitukang-manok
ng bundok paluwa sa kanyang matulis na tuktok.
Hayaan mo munang maging turista ka sa ating pagpupugaran.
Paghalikin mo ang iyong paningin sa mga tanawing
birhen pa sa imahinasyon ng iyong mata. Wariin mong simbahan
ang mga anyo, at kumagat ka sa marupok na pintuan ng mga ito.
Nakita na natin ito sa isang pelikula, minsan sa ilang larawan,
o ibinasa sa lampin ng lambing at simbuyo.
Batong korona ng dambuhalang bundok, isang parola
sa karagatan ng alapaap, o isang binibini, ina,
birheng sakripisyo sa altar ng bathala sa ulap.
Maaaring isa ring lungkot sa ermitanyong noo ng tayog.
Puting katedral sa paganong luntian. At ang relihiyon
at panginoon nito 'y matahimik na pag-akit.
Maging kumunista tayong dalawa dito sa malaya
nating bansa. Maging malaya, sa pagkubli ng mga pader
sa kakahuyan. Tirikan natin ng esperma ang landas
patungo sa ating tarangkahan, upang sa gabi 'y mailuwal
ng kadiliman ang isang apoy na ahas. Taga-lamon ng mundo
at tanod ng ating katahimikan. Ang tarangkahan natin
ay mga bakal na sibat, dahil mahalaga sa atin ang malubayan
sa pangangambala. Nakatanghal dito ang kalasag ng ating pag-iisa:
ang alimango ng Cancer sa loob ng pagbilog ng dalawang isda
ng Pisces. "Ang kasal ng dalawang tubig", ang sabi ng mga titik,
at ang tatlong pinahahalagahang paninindigan: Katapatan, Sakripisyo,
at Simbuyo.

Sa una mong pagdating dito, sinadya kong buksan
ang salaming mga bintana at pakawayin ang mga kurtina.
Ang bughaw mong rosas ang kulay ng ating bakuran
subalit, pamahiin ng panatikong sunflower ang sasagip sa kabaogan
ng ating hardin. Itanong natin sa kanila kung nasaan
ang trono ng apoy. Ginawan kita ng munting lawa
at pinuno ko ito ng lotus. Maglakad ka
sa ibabaw ng tubig at dungawin ang gintong karpa
at ang walang-maliw mong sarili, dahil tinupad ko
ang tulay na kawayan, tulad nang nakita natin
sa isang bakuran sa San Jose. Sa gilid ng lawang yaon
ay isang kubong ibinigkis kong mag-isa ng aking mga kamay,
ang natuyong luntian ng ating kabataang puno ng puting yelo.
Magpakamusmos tayo at magpakapayak.
Tumigil tayo sa pagtanda dito
at manahanan na tila kalalabas lang sa sinapupunan.
Maghubad tayo at magpakadungis. Magpakawala tayo
ng libo-libong paru-paro. Sa gitna ng lahat ng halaman,
margarita at damong bermuda ay ang koronang bukal
sa anyo ng magkatalikod na isda sa posisyon
ng kanilang pagkakabingwit, ang kanilang nguso
ay bumubuga ng talon ng tubig. Sa ulo ng dalawang isda
ang isang inahing alimango na naka-upo sa kanyang perlas
na pangingitlog. Inaalsa ng dalawang makapangyarihang sipit
ang araw, at sa gitna nito ang matalas na mata ng bathala.
Bago mo matungo ang pintuan,
padadaanin kita sa parihabang arko ng bogambilya
na nagsasaboy sa iyong ulo
ng mga pulang halik ng apoy na labi
sa dilaw na mga tanghali ng tagsibol at tag-init.
Ang buhok mo ay malaya, kaya inilugay ko ang pulang bubong
hanggang sa balikat ng pader. At ang ngiti ng iyong kahubaran
ang ipinintura ko sa mga dingding. Na ang mga poste 'y
di tulad ng aking tuhod na madaling mabali, kundi ng aking init,
imbong na manununaw ng ginaw at niyebeng mga panahon.
Iuukit ko dito, sa kristal na titik ang aking mga tula at pangako
dahil ako 'y madaling makalimot.
Sa balkon ko iniwan ang aking puso
dahil dito naninirahan ang simoy, na dala ng maaalalahaning ibon.
Maging tamad tayong mga panginoon habang namamagitan ang ating katawan
sa paninilbihan ng dalawang taga-aliw: ang entablado ng marikit
ngunit masungit na mga akrobatikong bituin sa sinulid ng hangin
at ang karnabal ng kulay-payasong dulot ng pagsanib ng libo-libong
talulot sa hardin, sa ating paanan. Sindihan natin dito
ang ating mga sigarilyo at ang mga hapon ay dito natin punan
at ubusin na nakatingin sa malayong dagat na humahampas sa lupa,
na walang iyak at pagsisisi. Masdan mo mula rito ang batakan
ng dalampasigan at kaligiran sa kumot na tubig. At ang araw
na pagnahuhulog ay kahel na platito, na paglumulutang ay gintong barya.
Sa gabi di ka magugutom sa bituin, ariin mo na rin ang langit
bilang sisidlan ng diyamante.
Sa balikat ng bahay itinayo ko
ang isang tore na tagapag-ingat ng ating mga hagdanan.
Sa noo ng tore natin ihiga
ang lahat nating karamdaman at pait,
sa ilalim ng mga bituin sa kwartong kwadradong salamin,
ang tanging diyamante dito sa korona
ang tanging korona sa mga gintong sumbrero.
Papanoorin ang ating pagtulog
at pagsapi ng mga kahoy at ilaw ng malayong, malayong siyudad
lampas sa pinakamalayong kabundukan.
Mula rito huwag kang matakot, walang kamay
na makakapatay sa puting koryente ng buwan at ang ihip ay hininga
ng abanikong walang kapaguran.
Pebrero 12 2002.Saod-Tayhi.


Lalim
Sapagkat di tulad ng hanging madaling mahagilap,
kailangan lang ng tubig na matagpuan. Hahanapin
sa malililim na liblib, madalas sa matatalas na batuhan.
Hindi halimaw subalit kailangang paamuhin,
malimit dapat gulatin para mahuli.
Dahil maagaw man mula sa pananaginip ang paghimbing
at maagaw mula sa pag-ibig ang ulirat ng tubig,
ilalayo ang kamay sa init, dadagdagan ang lalim,
susuot sa singit, sa dilim itutuloy ang pag-awit.

At kung ang awit
ng tubig maririnig, di tulad ng awit ng lupa o apoy,
kundi ang bigat na naiiwan sa damuhan
pagkalipas umawit ang hangin.
Awit ng tubig ang lagablab ng estrelya
pagkaluwal mula sa malagim na awit ng lupa,
ang sariling pagkasupil ng mapanirang apoy ay awit ng tubig.

Kung ayaw magpakita ang mapanlarong hangin
nakakasakit naman ang pang-aakit ng apoy,
tapat ang pangako ng lupa, lamang sa matatabang sinapupunan.
At di ba't ang maibibigay lang ng tubig ay ang sarili
mo hindi sa piling niya kundi sa duyan ng iyong mundo?

Dahil, matatagpuan na itong umiibig, malayo ka pa man
may pagdiriwang na ang pag-agos sa iyong pagdating.
Nakatali na sa kinalalagyan ng paghihintay.

Nag-iisa

at umiibig
sa tuktok ng bundok

kung saan malapit sa tainga ng Dios
kung saan malayo sa mga nilalang
na nabigyan ng paglipad.
Kahit magdamag kung pagsuyo
sa mga bituin ay di gagalaw.
Sa ibabaw,
ay isang debotong
salamin ng panatag
na pagpapaalipin.
Ngunit sa pusod, sa bansa
ng di naisabing luwad, sa hantungan ng inakong mga ibinato
sa tubig, malambot ang sayaw ng maputlang halaman.
Sa wakas, walang makikitang dalawang tubig
sa isang
panahon. Hangga't kayang makisapi, dudugtong ang dalawang
katahimikan upang magbigay ng mas tahimik na pananatili.


Apartment
Kaunti na lang ang natitira sa magdamag
nang ilapag natin ang ating mga sarili
sa lambot na iniwan ng pinatay na ilaw.
Inulit ko sa 'yo sa anyo ng selan at diin
ang mga halimuyak na ibinubuga ng malapot
na hardin sa gitna ng aking kabuuan. Sa dilim
isiniksik natin ang dambuhalang katawan
ng gabi sa isang kahon ng lagablab, at tayo'y
dalawang ulap na nagsagupa upang isilang
ang unos ng halik at marahang hagupit
ng mga daliring kidlat, sa hinawang kapatagan
ng ating mga katawan. Isa-isa kong hinimay
ang ulap sa iyong kalangitan, nang iharap mo
sa akin ang buo mong sarili'y mistulang
nakadungaw ako sa isang lungsod ng mga bituin.
Isinubo ko ang aking haplos sa malungkot
mong kalawakan, at mula sa humigpit kong bibig
ang bakas ng pulang mga planeta. Hinalina ako
ng mga braso ng iyong amoy, patungo
sa walang kapanatagang tubig ng iyong dibdib,
at pumilit sa aking paghinga ang maraming alon.
Umalingawngaw ang hamog sa ating balat
nang sa unang pagkakatao'y iuwi ko ang ugat
ng aking sulak sa nangungulilang tahanan
ng iyong pagbukadkad. Inipon sa pag-isa natin
ang lahat ng rahas na nagdadakila sa habagat
at lumayas ang residenteng tikas sa mga kagamitan
at bagay patungo sa mga lansangan.

Langit sa Tapat ng Balkonahe ni Caren
Kung ang mundo ay manlulunod
dito tumatahan ang pananagwan
sa dagat ng babala't pangamba
dito sa kalangitan sa tapat
ng balkonahe ni Caren.
Ang mga bituin
ay ipininta ng bathala
sa kanyang kamusmusan.
At ang buwan
ay isang apoy
na pilak
na ikinumpol
sa palad
ng makidlat
na kakahuyan.
Dito namin itiniklop
ang aming bagwis
para magpatihulog
mula sa mabangis na lupa
patungo
sa pagyapos ng lalim
ng gabi. Dito ko isinuko ang tulis
ng aking mga kuko
upang hawakan siya
ng paulit-ulit. Dito
sa napakaliit na bahagi
ng mundo
sa napakahigpit
na panahon namin
itinayo ang maselan
naming kalawakan
at pinamulaklak
ang mga planeta
sa tigang
na mga ulap.
Dito ko siya ikinalong
sa aking mga hita
at ninais na huwag
na siyang lilisan.
Sa puting mga upuan
dalawa kaming lasing
sa akbay ng anino
ng sinampay,
dahan-dahang gumapang
ang unang pagtagpo
ng aming mga labi.
Dito rin
giniba
ang paminsan-
minsang pagbakod
ng matigas
na mundo
sa pagitan namin
upang muling
humandusay
sa isang mas mainit
na pagkatunaw
sa isa't isa.
Sa malalim na oras
na wala nang ingay
ang gabi, sinuong namin
ang isa't isa
sa mas malalim
na pagtatagpo
upang
paghiyawin ang katahimikan
ng mas katahimikan.
Ito
ang mga gabing pagtumingala ka 'y
parang kinikinis ng init ang mga bituin
at pinupunasan ng lampin ng maselang hamog
ang salamin ng langit
dito
sa tapat
ng balkonahe ni Caren.
Nobyembre 8 2001, Tayhi.

Sa Ilalim ng Ulan
Sa silong ng isang gabing
mga daliri ang ulan
habang umuulan ng daliri
sa ibabaw ng aming mga katawan,
humigpit ang paghaplos ng tubig
sa mga palapag ng dahon, matapat
na sinundan ang kurba ng mga bato
at hibla ng lumot. Upang makauwi
sa mga bitak ng mabalahibong lupa.
Dumaloy ang pagpatak ng aming mga palad
sa mga bubungan ng aming bumigat na saplot,
maalab na nagsasaliksik
ng mga tuping maaagusan,
kumalat sa lansangan ng aming braso,
at sa mga lansangang ito bumangon
ang usok ng napapasong tubig.
Sa aking pag-agos siya ay puno ng kabundukan
at maselang alapaap, na sa mga bahagi
niyang matatayog ang pag-alsa, naipon
at umapaw ang aking pagragasa, patungo
sa nakakubling bukal
na ang hininga ay nagdudulot
ng mga anino. Ang gabi
ay nadidiligan ng mga daliri
at kami ay pinaghigpit ng ulan.
Sa paggapang ng katas
na naghuhugis sa lungkot
ng panahon, kami ay naiipon
na monumento ng apoy
sa gitna ng ginaw, nakasagupa
sa saboy ng sulak, na nagbasa
sa mga katawan ng istruktura 't
kalikasan. At kahit di namin masugpo
ang isang mundo ng pag-ulan ng lamig
inakay namin sa mainit na himlayan
ang pagpapatiwakal ng bawat butil
ng ginaw, hinawaan ng lagnat
ang pagsagi ng bawat malagim
na pagbagsak ng mga sibat
ng ulap. Tanging ang aming init
ang sumapi sa paggapang, nakikilingkis
sa pag-usad sa lahat ng direksiyon,
sa kung saan man uuwi
ang paghaplos ng tubig.
Nobyembre 8 2001, Tayhi.


Isinuko mo ang iyong ulo sa aking dibdib
Isinuko mo ang iyong ulo sa aking dibdib,
at ang iyong buhok ay ang libo-libong pag-uwi
ng ilog sa pampang ng aking braso. Hitik ang gabi
ng mga anino, at ang mga anino ay sinapupunan
ng kambal na supling: kaluskos at pagtigil.
Naririto uli tayo sa balkonahe ng mga bakal
na upuan at sinampay, kapiling ang gabi at magkapiling
sa gabi. Marahil kung ibabawas sa atin ang dekorasyon
ng ating katawan at iuuwi tayo sa payak na anyo,
ay isa tayong mahigpit na buhol ng masisidhing lubid.
Isang pag-isa ng ganting-higop ng kawalan
ng dalawang hinog na lalagyan. Ang kapit
ng dalawang binagang bakal sa halik ng lamig.
Maari ring dalawa tayong islang
nagtatayo ng maraming tulay sa pangangalakal
ng mga bagong alamat.

Isang punto sa ating katahimikan,
sinagwan ko ng aking kuko ang puting agos
ng iyong likod at sa diin ng aking daliri 'y
sinubok ang pagtutuwid sa basag mong mga buto
sa balikat. Mahal, saglit na lang
ay tatawag na ang hati ng gabi, ngunit
may tawag rin ang pag-umbok ng anyo
ng puting mga bituin.
Suungin mo ako tulad ng uhaw ng agos
na sumisiksik sa marupok na patlang ng buhangin.
Maging marahas ka sa mga bakuran
at gawing malaya ang lahat ng lupain.
Bawiin mo sa aking bibig ang salita,
bagkus ay gawing ungol
na siyang tanging wika ng hangin
tuwing yinayapos ng heograpiya ng daigdig.
Ang kamay ng diyos naghihintay
sa iyong sinapupunan!
Ikuyom mo akong parang sanggol
sa umpisa ng paglalang.
Nobyembre 2001.Tayhi.






















0 comments:

Ako Kalag Omay (2015)

Buhay-Gadan (2014)

Ha'dit sa byahe buda iba pang mga bagahe (2013)

Hamot kan Narumdom (2011)

Suralista: Mga Rawitdawit (2010)

Suralista: Mga Rawitdawit (2010)
Makukua sa: Gabos na Lucky Educ. outlets (Naga, Legazpi, Tabaco, Polangui, Sorsogon); Tabaco: Arden,Imprintados Advertising. Naga: Lucky Educational Supply. O kaya sa 0917 524 2309

Que Lugar Este kan Dayo sa Sadiring Banwa (2009)

Que Lugar Este kan Dayo sa Sadiring Banwa (2009)
"Maunod, magabat. Alagad makamuyahon ta magian basahon, ta makamuyahon saka labas an tanog. Makata, uragon." Gode B. Calleja. Abilable sa gabos na Lucky Educ. Supply Outlets; Kulturang Bikolnon. For inquiries:0917 524 2309

Maynila: Libro ng Pobya (1999)

Maynila: Libro ng Pobya (1999)
Makukua sa gabos na Lucky Educ Supply outlets buda sa Imprintados Ads sa Tabaco City. Para sa mga kahaputan mag-text sa 0917 524 2309

Karangahan Online

Karangahan Online
Karangahan: Pagranga sa Panurat Bikolnon. Kagibo: Jimple Borlagdan. Pinduton an ritrato para makaduman sa Karangahan

On Borlagdan's Poetry


A Rush of Metaphors, Tremor of Cadences, and Sad Subversions
By Tito Genova Valiente
titovaliente@yahoo.com

The first time I read the poems of Jesus Jaime Borlagdan, Jimple to those who know him, I felt immediately the seething movement of the words. There was a rush of metaphors in his works. I immediately liked the feeling that the rhythm caused in one’s reading for poetry, in my book, should always be read aloud. I was hearing the voice. It was a voice that happened to sound from afar and it was struggling to link up with a present that would not easily appear.

It was heartbreaking to feel the form. I felt the lines constricting. I saw the phrases dangling to tease, breaking the code of straight talk and inverting them to seduce the mind to think beyond the words. Somewhere, the poems were reverting back to direct sentences, weakening the art of poetry with its universe of ellipses and nuances, but then as suddenly as the words lightened up, the poems then dipped back into a silent retreat, into a cave, to lick its own wounds from the confrontation that it dared to initiate.

For this column, I decide to share parts of the longer paper I am writing about this poet.

In Karangahan, the poet begins with: Bulebard, ikang muymuyon na salog/ki gatas buda patenteng nakahungko,/ako ngonian kahurona. Borlagdan translates this into:Boulevard, you forlorn river/ of milk and downcast lights/ speak to me now. Savor the translation, for in Bikol that which is a dialog has become an entreaty.)

The poet is always talking to someone but in An istorya ninda, an osipon ta, he talks about a the fruits of some narrative: Ta sa dara nindang korona kita an hadi/ sa krus, kita su may nakatadok na espada./Naitaram na ninda an saindang istorya./Punan ta na man su satong osipon./This I translate as: For in the crown they bear we are the King/ on the cross, with the embedded sword./ Marvel at this construction, as the poet cuts at the word “hadi” and begins the next line with “krus” and the “espada.” Marvel, too, at how he looks at conversion and faith, a process that made us special but also wounded us with ourselves stuck with the sword.

Finally, the poet says those lines of the true believer: They have already spoken their story, now let us begin with our tale. The poet does not have a translation but will the istorya in this line be “history” and osipon be “myth.” Shall these last four lines in the first stanza be both a subversion of our faith embedded in a foreign culture or a celebration of what we are not, and what we have not become?
Puni na an paghidaw. Puni na an pagluwas/hali sa kwartong pano ki luha, puni na/an paghiling sa luwas kan bintana./Puni na an paghidaw para sa binayaan./Puni na an pagsulit sa daluging tinimakan./Puni na an paghidaw sa mga sinugbang utoban. Terrifying lines as the poet calls us to begin the remembering and also begin the moving out from the room full of tears. In the poet’s mind, the lacrimarum vale or valley of tears had become an intimate area for instigating his own release.

The rhythm is there as in a prayer. But it is no prayer. There is the repetition but it is not a plea. There is the self but it is one that has turned away from itself into something else. That self is one that shall face the recollection of the faith that has been burned.

And yet the poet, resolute when he wants to, loves to sing and hint of fear and anxiety. Even when he is merely observing children playing in the rains, he summons images of terrible beauty. The skies become diklom na pinandon na “may luho” (with hole). From this hole, comes the sarong pisi ki sildang/ tisuhon na buminulos. The poet stays with this metaphor with such intensity that the silken thread coming from the hole justifiably becomes luhang garo hipidon na busay/paluwas sa mata/kan dagom. Dark wit and a penchant for the horrifying are tandem graces in these lines.

This is the poet who can, without self-consciousness, tell us of the …haya/kan mga ayam na namimibi/nakakapabuskad ki barahibo/nakakaulakit ki lungsi. He whispers of “halas na rimuranon, malamti/sa hapiyap kan mga bituon.”
This is a startling universe, where dogs pray (and bay), and where fears bloom and paleness afflicts and infects, and serpents are caressed by the stars.